“Ang taong may damdamin ay hindi alipin.”
The following review will mostly be in Filipino but the verdict will be in English. Ang ironic kaya magsulat sa wikang
Ingles tungkol sa pelikulang kontra-Amerika.
Sino nga ba si Antonio Luna? Isa raw siyang bayani noong Philippine-American War ayon sa HeKaSi
teachers natin. Sinabi rin nila na maganda ang buhay, edukado at marangya raw tayo noong panahon ng mga Amerikano. Pero bakit nagkaroon pa rin ng mga bayaning katulad
nila Luna, Sakay at Malvar? Bakit marami pa ring nagbuwis ang buhay? Hindi ka ba nagtataka?