Sunday, March 22, 2015

NINJA PARTY

Disclaimer: The following review will mostly be in Filipino language. I apologize to the foreigners and the ultra magnetic supercosmic bourgeois who might not understand it. This opinion comes from a normal moviegoer who liked Tribu and who doesn’t praise himself a “critic”. 

Ano ba ang nag-udyok sa’yo para panoorin ito? Ang istorya? Ang prestige ng pagiging isang Sinag Maynila entry niya? Ang feels mo na baka maka-relate ka sa mga karakter? O ang iyong makamundong pagnanasa? Lahat ng iyon ay naging dahilan bakit ko siya pinanood.

Bale isang oras ng kaburgisan bago mag-start talaga yung istorya at yung mga nakita mo sa trailer. Puro set-up para sa two-minute orgy at ang natira ay kakaramput na eksena ng pagsisisi at pagpapatawad na magpapaganda sana sa pelikula. May kanya-kanya tayong favorites pero obvious na ito ang weakest link sa limang entries. Makaka-relate lang siguro dito yung mga burgis na nagkagusto sa Hindi Sila Tatanda at The Animals. Walang ispesyal sa grupo nila Alexa. Lahat sila nagpapaka-Mean Girls nang wala sa lugar, social status at itsura. At kung sa tingin mo ay isa ka sa kanila, aba’y kailangan mo mamundok at tingnan kung gaano kaganda pa rin ng mundo kahit na mawala ka.

Now for the real sheep. Malamang napanood mo na yung Ang Nawawala kaya ka na-hype. Malamang mananabik ka lalo pag nalaman mong naghubad si Annicka Dolonius. Malamang aasa ka ng wild scenes tulad ng sa Spring Breakers. Guess what?! Sa SM ipinalabas ito at ipinagkasya sa isang two-minute montage ang 15-minute nudity na inaasam-asam mo. Pero may itinira pa namang boobs para sa’yo. Sobrang laki nga eh. Kaso mula iyon sa pinakamatabang miyembro ng ensemble. Para ka lang hinawakan sa etits nang naka-blindfold at nang hinubad mo ang piring ay biglang nag-shrink ang iyong burat sa saliw ng tunog ng pagkamatay ni Pacman.

Marami ka ring dapat pagbigyan sa pelikulang ito (baka kasi intensyon ni direk lahat yun)

High school students na mukhang trenta anyos. (baka naman activism ‘to kontra sa K+12 ni PNoy) Valedictorian ang isang katulad ni Alexa. (baka naman sobrang talino niya talaga at kaya niyang ipagsabay-sabay ang aral at sextra-curricular activities) May isang naka-tattoo na hindi pinapansin nila sister. (baka naman pwede ang tattoo kahit maarte sa lipstick) Magkaibigan sila valedictorian, slututatorian, fatutatorian at inggiteratorian (baka naman close friends since 1st year. Sabagay. Sisters that landi together, stay together) Hindi ko na palalawakin yung sa Lysistrata, Pythagorean Theorem at yung teacher na parang lasing. Kayo na ang bahala sa kung ano ang gusto niyo iinterpret.

Wala talagang kumonek sakin sa mundo nito. Siguro dahil naging PG13 ang buhay mag-aaral ko. Wala akong malay sa mga ganyan pero alam kong nangyayari sila lalo na sa burgis schools, Catholic man o hindi. Parang mayroong ipinaglalaban ngunit hindi nag-all the way. Minulat ang mata mo pero hindi ka pinaramdaman ng solusyon. I rant about teenagers today, pero ganun na ba talaga sila ka-hopeless? Naku, sana napanood ng mga nagreklamo sa #Y ito. Ang huling eksena ay isang malaking hinlalato para sa lahat ng nagtiyaga para makakita ng “hope”.

May masasabi pa naman akong maganda rito. For starters, hindi siya boring kahit chaka ang pagka-edit. Gusto ko mapanood yung unrated cut. Ayos naman ang ensemble maliban dun sa Carla at hindi niya rin naman kasalanan yun. Kinasusuklaman lang talaga yung mga obnoxious Melissa McFatty characters. Magaling si Odette Khan. Para ngang sinabi lang sa kanya kung ano-ano ang mga eksena niya at ngayon lang niya nalaman ang kabuuan ng pelikula nila. Natutunan ko kung paano ang tamang pagbigkas ng “Promenade” at ang kulay ng lips ay determinant ng kulay ng nips. Medyo naawa ako kay Nicky pero kasalanan niya rin naman yun. At hot yung Mariz Reyes (Belle).

Ninja Party feels like a glorification of its disgusting theme more than a warning label that it wants to say to the next generation.

ROTTEN OMELET 1.5/5


You can follow me @ https://twitter.com/emiLegendary | http://erevs.wordpress.com | http://emzreviews.tumblr.com  or add me on FB @ https://www.facebook.com/emilegendary if you enjoy the review. Thanks for reading!